15 taon gulang na si Prince Hisahito

Ang isang liham na ginawa ng Prinsipe ukol sa ginawang pag-bisita sa Ogasawara Islands ay nanalo ng literary prize para sa elementary at junior high school students.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp15 taon gulang na si Prince Hisahito

Nitong Lunes, si Prince Hisahito ng Japan ay naging 15 anyos na. Siya ang pamangkin ni Emperor Naruhito at ikalawa sa naka-linya na maaaring maupo sa trono sunod sa kanyang ama, na si Crown Prince Akishino.

Si Prince Hisahito ay tumuntong sa ikatlong taon ng Junior high school sa Tokyo nuong Abril. Ayon sa Imperial Household Agency, nasa mabuting kalusugan naman ito maging nuong mga nakaraang taon.

Sinabi rin ng mga opisyal ng ahensiya na ang prinsipe at ang kanyang mga kamag-aral ay nagsa-gawa ng isang school project ukol sa pamumuhay ng mga tao sa gitna nang dinaranas na pandemiya na sanhi ng coronavirus. Nagsa-gawa sila ng mga interview at survey, ang resulta ay iprinisenta sa kanilang school festival nuong Septyembre nuong nakaraang taon.

Sinabi ng mga opisyal ng ahensiya na mukhang malaki ang natutunan ni Prince Hisahito sa mga pag-hihirap at pag-pupursige ng mga tao sa iba’t-ibang industriya, tumatak sa kanyang isipan na kung ano ang maaari pang maitulong o magawa niya at iba pang mga kabataan.

Ang isang liham na ginawa ng Prinsipe ukol sa ginawang pag-bisita sa Ogasawara Islands ay nanalo ng literary prize para sa elementary at junior high school students. Siya ay dumalo sa isang online ceremony upang tanggapin ang parangal nuong Marso.

Idinagdag rin ng opisyal ba nanuod umano si Prince Hisahito ng mga online event nuong summer vacation sa pag-marka ng mga anibersaryo ng 2011 Great East Japan Earthquake at ng 2016 Kumamoto Earthquake sa southwestern Japan.

Sinabi nila na kasama ng prinsipe  ang kanyang pamilya nuong pinanunuod ang mga disaster preparedness, kabilang ang mga posibleng role na maaaring magampanan ng mga kabataan.

Uma-attend si Prince Hisahito nang kanyang ikalawang semester ng pag-aaral mula nuong ika-1 ng Septyembre.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund