Share
TOKYO – Magse-set up ang Tokyo metropolitan government ng isang large-scale oxygen administration station dahil maraming mga kaso kung saan ang mga covid patient na nagpapagaling sa kanilang mga bahay ay kinakilangang makabitan ng oxygen.
Inaasahan ng gobyerno ng metropolitan na magamit ang lugar na dating ntional children’s center “Kodomo no Shiro” (children’s castle) sa Shibuya Ward ng kabisera upang mag-set up ng 130 na kama para sa pag administer ng oxygen sa mga pasyente. Ang gobyerno ng metro ay nagmamadali upang ma-secure ang mga doktor at nurse habang plano nilang simulan ang pag operate ng station mula Agosto 21.
(Japanese original nina Shinji Kurokawa at Hitomi Saikawa, Tokyo City News Department)
Join the Conversation