Pinasalamatan ni Japan Prime Minister Suga Yoshihide ang mga taong bayan sa pakikipag-tulungan at pakikipag-kooperasyon sa pad-host ng Tokyo Olympics.
Nag-post ng isang video message si Suga nitong Lunes sa kanyang Twitter account matapos ang pag-tatapos ng Olympics nuong nakaraang araw.
Sinabi nito na ang Palaro ay isina-gawa sa ilalim ng mahigpit na restriksyon, matapos ma-antala ng isang buong taon sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus, ngunit gayunpaman, napa-tupad ng Japan na matapos ng maayos ang Palaro at maipasa sa susunod na bansa ang baton para sa 2024 Paris Games.
Pinasalamatan nito ang publiko sa pag-iintindi at kooperasyon nito.
Pinuri ni Suga ang mga atleta sa pakikipag-tulungan na makamit ang napaka-ganadang Palaro, at sinabing pinupugay niya ang mga ito ano man ang naging resulta ng kanilang laro.
Idinagdag pa nito na naihatid ng mga atleta ang pangarap, pag-asa at kagalakan sa mga kabataan at mga tao sa buong mundo, na siyang nag-bigay ng kakaibang aspeto sa hinaharap.
At para naman sa antivirus measures ng Palaro, sinabi ni Suga na may ibang mga tao mula sa ibang bansa na pinuna na ito ay napaka-higpit, ngunit ang iba naman ay nag-sabi na tanging bansa lamang ng Japan ang maka-gagawa ng ganitong hakbang.
Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagpapa-salamat sa mga Olympic officials, medical personnel, volunteers at mga taong nag-bigay ng suporta sa nasabing event.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation