Napag-desisyonan na ng pamahalaan ng Japan na palawakin at pahabain ang coronavirus state of emergency.
Ang Tokyo ay lima pang ibang prepektura ay kasalukuyang napapa-ilalim sa state of emergency hanggang sa katapusan ng buwan.
Plano ng mga opisyal na dagdagan pa ng 7 pang karagdagang prepektura. na siyang isasa-gawa sa darating na Biyernes.
Quasi-emergency intensive measures ay sasakupin ang 16 pang prepektura sa buong bansa.
Ang lahat ng mga hakbang ay i-iextend pa hanggang ika-12 ng Septyembre.
Ipinapayuhan ng mga opisyal nang mga apektadong lugar ang mga restaurant at bars na itigil ang pag-seserve ng alcohol at mag-lagay ng mas mahigpit na hakbang sa mga shopping malls at events.
Nag-ulat ang Tokyo Metropolitan Government na mahigit 4,300 na bagong impeksyon nuong Martes. Ito ay umabot bandang 1,700 sa parehong araw nuong nakaraang linggo.
Ang bilang ng mga pasyenteng nasa malubhang condition ay patuloy pa rin na tumataas.
Ipinahayag ng health ministry na ito ay lumagpas ng 1,600, isang pag-babago sa bilang na siyang nag-tala ng mataas na bilang sa loob ng limang araw.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation