Shinjuku Ward, uumpisahan nang bakunahan ang mga empleyado ng mga kainan

Ipinahayag nila na sila ay mayroong sapat na doses ng bakuna para mabakunahan ang mahigit 15,000 katao.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspShinjuku Ward, uumpisahan nang bakunahan ang mga empleyado ng mga kainan

Mag-bibigay ng pag-babakuna ang Shinjuku Ward sa Tokyo para sa mga nagta-trabaho sa mga kainan kahit na sila ay hindi residente ng lugar.

Ayon sa mga opisyal, sila ay gagawa ng vaccination center sa ward office mula sa ika-6 ng Septyembre hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

Ang mga mang-gagawa sa mga restaurants at cafe sa ward ay makaka-tanggap ng bakuna kahit na hindi sila rehistradong mamamayan sa lungsod basta dala nila ang kanilang vaccination tickets mula sa kanilang tinitirahang lungsod o munisipalidad.

Inaasahan ng mga opisyal ng ward na makita ang mga mang-gagawa upang magpa-bakuna sa kanilang large commercial district sa Shinjuku.

Ang mga essential workers tulad ng mga staff sa child care facilities, kindergartens, elementary schools, junior high schools at pasilidad para sa pangangalaga sa mga matatanda ay maaari rin magpa-bakuna dito.

Ang mga rehistradong residente rin sa nabanggit na ward na nag-eedad na 18 anyos pataas ay maaari rin mapag-bakuna rito.

Ang reservation ay maaaring gawin online simula sa Martes.

Ipinahayag nila na sila ay mayroong sapat na doses ng bakuna para mabakunahan ang mahigit 15,000 katao.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund