TOKYO (Kyodo) – Ang gobyerno ng Jamaica noong Huwebes ay nag-alok sa isang staff ng Tokyo Olympic ng isang invitation sa bansa para sa pagtulong sa kanilang gold medalist na si Hansle Parchment na dumating sa kanyang venue sa takdang oras para sa kanyang race.
Ang Ministro ng Turismo ng Jamaican na si Edmund Bartlett ay nagpasalamat kay Tijana Kawashima Stojkovic sa isang event na ginanap sa embahada ng Jamaica sa Tokyo.
Binigyan ni Stojkovic ng pang bayad sa taxi ni Parchment matapos ang 31-taong-gulang na atleta ay sumakay ng maling bus mula sa village ng mga atleta at nakarating sa ibang venue bago ang kanyang semifinals.
Nanalo ng ginto si Parchment kinabukasan, at nag-post ng isang video sa Instagram na binalikan niya si Stojkovic at ipinakita sa kanya ang kanyang medalya, binalik ang pera, nagbigay ng Jamaican tshirt at taos pusong nagpasalamat. Nag-viral ang video na may higit sa 1.38 milyong panonood, at naging mga headline sa Japan at sa ibang bansa.
Join the Conversation