NAHA (Kyodo) – Sinabi ng gobyerno ng Okinawa Prefecture na itinigil nito ang inoculation sa isang vaccination site ng COVID-19 noong Linggo kasunod ng pagtuklas ng mga kontaminante sa isa pang lot ng Moderna Inc., bukod pa ito sa naunang natuklasan na contaminated vaccine.
Mahigit sa 1,500 katao ang nakatakdang makatanggap sana ng mga jab sa lugar sa Naha bago natagpuan ang mga itim at pink na particles sa isang maliit na vial at tatlong mga syringes habang nag inspeksyon ng pre-inoculation noong Sabado ng hapon.
Ang mga syringes ay napuno ng vaccine mula sa tatlong magkakaibang mga vials, sinabi ng gobyerno ng prefecture.
Ang mga vial na ito ay nahuhulog sa ilalim ng parehong bilang ng lot na – 3005293 – na naiiba mula sa tatlong iba pang mga bilang ng lot na kinilala ng ministeryo sa kalusugan ng Japan noong Huwebes na potensyal na contaminated na doses.
Humigit-kumulang 880 katao ang nakatanggap ng mga shot sa ilalim ng lot na ito sa lugar ng pagbabakuna. Sinabi ng pamahalaang lokal na wala pa silang natatanggap na ulat tungkol sa mga isyu o side effects sa kalusugan.
Join the Conversation