Nanay at 2 anak namatay sa central Japan mudslide habang patuloy ang malakas na pag-ulan

NAGANO (Kyodo) - Isang ina at ang kanyang dalawang anak ang namatay at dalawang tao ang sugatan noong Linggo nang ang isang bahay ay nadaganan ng isang mudslide sa central Japan, habang patuloy ang malakas na ulan sa malalawak na lugar sa bansa. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNanay at 2 anak namatay sa central Japan mudslide habang patuloy ang malakas na pag-ulan

NAGANO (Kyodo) – Isang ina at ang kanyang dalawang anak ang namatay at dalawang tao ang sugatan noong Linggo nang ang isang bahay ay nadaganan ng isang mudslide sa central Japan, habang patuloy ang malakas na ulan sa malalawak na lugar sa bansa.

Isang bombero na nagpapatrolya sa lugar sa Okaya, Nagano Prefecture, bandang 5:30 ng umaga ay tumawag sa mga emergency service matapos makita ang bahay na puno ng lupa at buhangin, at ang may mga tao na natrap sa ikalawang palapag. Ayon sa lokal na departamento ng bumbero, lima sa walong katao na nakatira sa bahay nang panahong iyon ay dinala sa ospital.

Ang tatlo ay natagpuang walang ulirat at nakumpirmang patay, ay kinilala na si Yuki Makibuchi, 41, at ang kanyang mga anak na sina Haruki, 12, at Naoki, 7, sinabi ng mga opisyal ng lungsod.

Ang isa pang teenager na lalaki at isang lalaki na nasa edad 40 ay dinala sa ospital na may kaunting sugat matapos ang sediment mula sa isang bundok sa likod ng bahay ay natabunanan hanggang ikalawang palapag.

Sinabi ng lungsod na ang mudslide ay naganap bago ito nag-isyu ng isang evacuation order alas-6 ng umaga, at idinagdag na plano nitong siyasatin kung ang oras ng kautusan ay naaangkop. Noong 2006, isang mudslide ang naganap sa isa pang bahagi ng lungsod, na ikinamatay ng walong katao.

Gayundin sa Nagano, isang kalsada sa nayon ng Otaki ang gumuho dahil sa malakas na ulan, na nag stranded sa 14 na tao mula sa siyam na bahay sa isa sa mga distrito nito, sinabi ng gobyerno ng prefectural. Plano nitong iligtas sila gamit ang mga helikopter ngayong Lunes pagkatapos ng pagbuti ng panahon.

Nagpadayon ang malakas na ulan mula kanluran hanggang silangang Japan, higit sa lahat sa panig ng Pasipiko.

Ang mga lokal na awtoridad ay nagpalabas ng mga alerto sa pinakamataas na antas na sumasaklaw sa halos 1.83 milyong katao sa halos 830,000 na sambahayan sa pitong prefecture, na nananawagan sa kanila na gumawa ng mga hakbang upang matiyak ang kanilang kaligtasan, sinabi ng Fire and Disaster Management Agency.

Bilang karagdagan sa Nagano Prefecture, ang mga alerto ay ibinigay para sa Chiba malapit sa Tokyo, Shimane at Hiroshima sa kanlurang Japan, pati na rin ang Fukuoka, Saga at Nagasaki sa timog-kanlurang pangunahing isla ng Kyushu.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund