TOKYO (Kyodo) – Isang kaso ng COVID-19 infection na na-link sa Tokyo Paralympics ang kinumpirma sa kauna-unahang pagkakataon sa mga residente ng athletes village sa Tokyo, sinabi ng organizing committee ng nitong Huwebes.
Ang taong mula sa ibang bansa na nagpositibo sa sakit ay isang opisyal na nauugnay sa games, hindi isang atleta, ayon sa komite.
Ang village, na ginamit ng mga kalahok ng Tokyo Olympics ay pormal na binuksan muli noong Martes para sa Paralympics, isang linggo bago magsimula ang mga laro..
Dahil sa pagtaas ng impeksyon sa coronavirus sa Tokyo at maraming iba pang mga bahagi ng Japan, gaganapin ang Paralympics nang walang mga manonood, maliban sa ilang mga mag-aaral na lumahok sa isang programang pang-edukasyon na sinusuportahan ng gobyerno.
Join the Conversation