Ang Meteorological Agency ng Japan ay naglabas ng pinakamataas na emergency alert level para sa malakas na ulan sa kanlurang lungsod ng Hiroshima.
Ang mga opisyal ng ahensya ay nagbigay ng alert level-5, ang pinakamataas sa limang antas na sistema ng babala alas-8:45 ng umaga ng Biyernes. Sinabi nila na may napipintong panganib na may posibleng napakalaking pinsala.
Sinabi ng mga opisyal na ang matagal na pag uanglow pressure ay nagdulot ng malakas na buhos ng ulan sa Hiroshima Prefecture.
Ipinapahiwatig ng pag-aaral ng Radar ang mga lugar sa paligid ng mga lungsod ng Hiroshima at Akitakata, pati na rin ang Kitahiroshima Town, na may hanggang sa 170 milimeter ng ulan sa tatlong oras hanggang alas-9 ng umaga.
Hinihimok ng mga opisyal ang mga tao na gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang kanilang buhay. Pinayuhan ang mga residente na regular na subaybayan ang sitwasyon sa labas at lumipat sa isang mlapit n matibay na gusali kung mukhang napakapanganib na lumikas sa isang pampublikong silungan.
Hinihimok nila ang mga tao na mag-ingat sa mga landslide, mudslide, pag over flow ng mga ilog at sa pagbaha sa mga mababang lugar.
Join the Conversation