TOKYO– inaresto ng mga pulis ang isang lalaki nuong August 28 dahil sa acid attack sa isang subway station na siyang nag-iwan ng dalawang katao na nag-tamo ng pinsala nitong linggo. Inaresto ng Metropolitan Police Department si Hirotaka Hanamori, 25 anyos, dahil sa suspisyon sa pag-saboy umano ng isang pinaniniwalaang sulfuric acid sa isang 22 anyos na lalaki sa Shirokane-Takanawa Station sa Minato Ward ng Tokyo Metro Namboku Line nuong gabi ng August 24, na nag-iwan ng malubhang kondisyon sa biktima. Isang 34 anyos na ginang ang nag-tamo rin ng hindi namang malubhang pinsala mula sa nasabing insidente.
Si Hanamori ay nag-mula sa Aoi Ward sa Lungsod ng Shizuoka, ay inilagay sa wanted list sa buong bansa dahil sa koneksyon sa kaso. Siya ay naka-detain sa southernmost prefecture ng Okinawa.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na tinarget na ng suspek ang mga biktima. Ang mga ito ay pumapasok sa iisang unibersidad, ayon sa mga sources na malapit sa imbestigasyon.
(Japanese original by Kazuki Mogami, Tokyo City News Department)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation