Sinang-ayunan ng mga gobernador ng mga Japanese prefecture na magkaroon ng panawagan sa sentrong pamahalaan ukol sa mahigpit na pag-hikayat sa mga tao na iwasan ang mag- cross-prefectural travel matapos ibaba ang state of emergency nuong Lunes.
Ipinahayag ni Tokyo Governor Koike Yuriko sa isang online na pag-pupulong ng National Governors’ Association nuong Linggo na ang pag-galaw o lakbay ng mga tao ay dapat na ma-control at dapat mabawasan, dapat rin na mapa-bilis ang proseso ng pag-babakuna.
Sinabi ni Yoshimura Hirofumi, ang gobernador ng Osaka Prefecture na siya rin madaragdag sa sa mga prepektura na sasailalim sa state of emergency, ay nag-sabi na ang pag-kalat ng Delta Variant ay nasa kritikal na sitwasyon na, dapat na gumawa ng aksyon ang pamahalaan upang matulungan na mabisita ng mga doktor ang mga taong nagse-self-isolate sa kanilang tahanan.
Si Suzuki Naomichi, ang gobernador ng Hokkaido na siyang papasok sa quasi-state of emergency, ay nag-sabi na ang sense of crisis ay hindi nararamdaman ng mga tao, at isang mensahe ang dapat mai-parating sa mga ito na ang isang napaka-lalang krisis ay posible kapag hindi sila makikipag-tulungan.
Nag-bigay ng mga emergency proposal ang mga gobernador sa sentrong pamahalaan, nag-sasabing kailangan na nilang mag-tulungan upang maiwasan ang malaking pag-laganap ng impeksyon.
Kabilang sa proposal ay ang pag-hihikayat sa mga tao na i-cancel o ipagpa-liban muna ang pagko-cross-prefectural travel ngayong tag-init, at humanap ng karagdagang awareness para sa bisa ng bakuna para sa mga kabataan at middle-aged na mga mamamayan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation