Mahigpit na pinuna ng National Institute of Infectious Diseases ng Japan ang mga bahagi ng mga ulat nito tungkol sa mga bakunang coronavirus na hindi naaangkop na nabanggit at nai-lathala sa Internet.
Ini-ulat ng mga mananaliksik sa institusyon nuong nakaraang buwan na mahigit 67 katao sa Japan ang nakumpirmang nahawaan ng impeksyon ng coronavirus sa panahon ng tatlong buwsmg period mula buwan ng Hunyo, sa kabila nang pagkakaroon ng kumpletong bakuna.
Ang mga impeksyon na nangyayari sa loob ng 14 araw matapos makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay tinatawag na kaso ng breakthrough.
Kahit pa man ang mga ganitong kaso ay nai-uulat sa ibang bansa, sinasabi ng mga mananaliksik na ang bakuna ay napaka-epektibo,importante pa rin na magdagdag ng hakbang laban sa impeksyon kahit natapos nang mabakunahan.
Ngunit may ilang tao na ginamit ang ilang parte ng ulat upang mag-hayag ng mali sa social media at iba pang lugar na sinasabi umano ng institusyon na hindi epektibo ang bakuna.
Ayon sa isang pahayag ng institusyon, ipina-kikita nito ang malaking pag-aalala na ang ilang parte ng kanilang ulat ay ginagamit sa maling paraan na siyang nais ng ibang tao. Binanggit rin sa nasabing statement na hindi lamang na ito ay nag-bibigay ng impresyon na ang institusyon ay nag-hahatid ng maling mensahe, kundi nababaluktot rin ang isang magandang diskusyon base sa siyensya.
Ipinahayag ni Wakita Takaji, pinuno ng institusyon, na maliwanag na ang bakuna ay pumipigil sa pag-develope ng impeksyon o pagkakaroon ng malubhang karamdaman, at inaasahan na lumabas ang mga kaso ng breakthrough habang nagpapa-tuloy ang pagbabakuna. Idinagdag rin nito na maraming tao ang naging protektado mula sa impeksyon dahil sa pag-babakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation