Ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na muli silang mag-iimpose ng isang mahigpit na lockdown sa Manila sa susunod na linggo matapos madetect ang highly contagious na Delta variant ng coronavirus.
Inanunsiyo ng mga opisyal nuong Biyernes na ang Capital Region ay mapapasa-ilalim na matinding restriksyon base sa apat na level na scale mula August 6 hanggang 20.
Ang Manila ay kama-kailan nasa ilalim nang pinaka-mahigpit na lockdown nuong March.
Bilang panunutunan pangkalahatan, ang mga tao ay hindi papayagan na maka-labas maliban lamang sa pamimili ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Kakausapin ang mga negosyante na kaunting emplyeyado muna ang papa-pasukin on-site.
Ayon sa presidential office, ang masakit ang pag-baba ng nasabing desisyon, ngunit ito ay kinakailangan upang mapigilan ang pag-kalat ng Delta Variant.
Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas nitong mga nakaraang linggo na siyang umabot na sa 8,562 nitong Biyernes.
Ang pag-kalat ng Delta strain ngayon sa bansa ay nag-dagdag aalalahanin. Sinabi ng mga health authorities na sila ay nag-tala ng 216 na kaso na may kaugnayan sa nakahahawang variant. Ngunit sinabi ng mga eksperto na maaring mas mataas pa ang bilang kaysa sa ipinahayag.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation