Lalaking Vietnamese namatay matapos bugbugin at tinapon sa Dotonbori bridge sa Osaka

Ang pulisya sa Osaka ay iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang lalaking Vietnamese na nasa edad 20 na binugbog at pagkatapos ay itinapon sa isang tulay patungo sa Dotonburi River. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking Vietnamese namatay matapos bugbugin at tinapon sa Dotonbori bridge sa Osaka

OSAKA

Ang pulisya sa Osaka ay iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang lalaking Vietnamese na nasa edad 20 na binugbog at pagkatapos ay itinapon sa isang tulay patungo sa Dotonburi River.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8: 20 ng gabi. noong Lunes sa Ebisu Bridge sa distrito ng Minami ng Chuo Ward, iniulat ng Fuji TV. Isang babae ang tumawag sa 110 at sinabi na may isang foreigner na lalaki ay nalulunod sa ilog.

Nakuha ng pulisya ang lalaki mula sa ilog mga 20 minuto ang lumipas. Dinala siya sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.

Sinabi ng isang saksi sa pulisya na nakita niya ang mga lalaking Hapon at ang biktima na nagtatalo at nagsimula ang isang away. Ang isa sa mga lalaking Hapon ay hinawakan ang biktima sa braso at binti at sapilitang inihulog siya sa tulay. Sinabi ng saksi na lahat ng mga kalalakihan ay tila lasing.

Sinabi ng pulisya na ang lalaking nagtulak sa biktima sa tulay ay nakasuot ng mahabang itim na pantalon at puting T-shirt.

 

Ang biktima ay napag alamang Vietnamese na international student na kakatapos lamang ng kanyang kurso at naga-apply ng temporary visa para makapagpanatili sa Japan

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund