FUKUOKA — Isang lalaki na nasa kanyang 60’s na naninirahan sa Lungsod ng Yame sa Prepektura ng Fukuoka sa southwest ng Japan, ay namatay
nuong August 21 dahil sa tick-borne infection .
Ipinahayag ng Kurume Municipal Government sa nasabing Prepektura nuong August 22 na ang lalaki ay namatay dahil sa malubhang lagnat mula sa natamong thrombocytopenia syndrome (SFTS), na siyang nakukuha mula sa ixodid ticks.
Ayon sa Kurume Municipal Public Health Center, ang lalaki ay na-ospital nuong August 16 dahil sa sintomas na dinaranas kabilang ang lagnat at pagka-pagod, ang lalaki ay na-diagnosed ng SFTS makaraan ng tatlong araw, at siyang binawian ng buhay nuong August 21.
Nakitang mayroon itong kagat ng garapata sa kanyang kanang talampakan, pinag-hihinalaan na ito ay nakagat habang ito ay nasa bukid at nag-sasaka. Pinapayuhan ng Public Health Center ang mga tao na iwasan na ma-expose ang balat habang nasa mga matataas na damuhan dahil madaming ixodid ticks sa panahong pagitan ng tag-sibol at tag-lagas.
(Japanese original by Yumiko Tani, Kyushu News Department)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation