Lalaking sangkot sa train knife rampage, ninais pala na pasabugin ang Shibuya Crossing

"Hangarin ko na mapatay ang mga kababaihang sa tingin ko ay nasa magandang sitwasyon sa buhay pati na rin ang mga magka-sintahan na mukhang masaya matapos na maloko ako ng isang babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga taong tumatawid sa Shibuya Crossing nuong Aug. 7

Ang lalaking na-aresto sa nangyaring pag-atake gamit ang isang patalim sa mga pasahero ng isang commuter train sa Tokyo ay kinunsidera rin na pasabugin ang sikat na Shibuya scramble crossing intersection sa Kapitolyo, ayon sa ilang imbestigador nuong Martes.

Si Yusuke Tsushima, 36 anyos ay nag-sabi umano sa mga sources na nais niyang puntiryahin ang mga “mukhang masayang mag-nobyo” duon.

Si Tsushima ay gumawa ng isang malaking sitwasyon ng pananaksak nuong Biyernes sa Odakyu Electric Trailway train. Aabot sa 10 pasahero ang nag-tamo ng pinsala, kabilang ang isang 20 anyos na babaeng university student, na nag-tamo ng malubhang pinsala sanhi ng maraming saksak sa kanyang likuran at dibdib.

Matapos tumakas mula sa lugar ng insidente, si Tsushima ay na-detained nuong Biyernes at pormal na na-aresto nuong Sabado sa suspisyon ng tangkang pag-patay sa isang babaeng mag-aaral.

Sinabi ni Tsushima sa mga imbestigador na gusto niya itong patayin dahil mukha itong “panalo” sa buhay.

“Hangarin ko na mapatay ang mga kababaihang sa tingin ko ay nasa magandang sitwasyon sa buhay pati na rin ang mga magka-sintahan na mukhang masaya matapos na maloko ako ng isang babae sa university student society,” ani umano nito sa mga imbestigador.

Bago pa man mangyari ang insidente sa tren, isang babaeng tindera sa isang grocery store sa Tokyo ang tumawag sa mga pulis matapos nitong akusahan ang suspek na nandukot o nag-nakaw sa tindahan.

Si Tsushima ay pinayagang maka-uwi matapos ang ilang mga katanungan mula sa mga pulis na may kinalaman sa insidente ng pagnanakaw, sinabi umano ng suspek sa mga awtoridad na nais niya sanang patayin ang tindera sa tindahan ngunit ito ay mag-sasara na kung-kaya’t ibinaling niya ang kanyang pansin at hangarin sa mga pasahero ng tren.

Nakita sa ilang security camera sa train ang mga captured image ng isang lalaki na pinaniniwalaang si Tsushima na sinasaksak ang babaeng estudyante sa kanyang dibdib at likuran nang ilang beses sa tren bandang alas-8:30 ng gabi nuong Biyernes.

Ang siyam pang biktima, nang mga babae at lalaki ay nag-tamo ng pinsala sa pamamagitan ng pananaksak ni Tsushima at dahil sa nais ng mga ito na makatakas sa nangyayaring kaguluhan sa loob ng tren, ayon sa mga imbestigador.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund