Lalaki huli sa pagsakal at nakawan ang isang babae

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 25-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pagnanakaw na nagresulta sa bodily harm matapos niyang sakalin ang isang babaeng 20-anyos at ninakaw ang kanyang hanbag. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 25-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pagnanakaw na nagresulta sa bodily harm matapos niyang sakalin ang isang babaeng 20-anyos at ninakaw ang kanyang hanbag.

Ayon sa pulisya, si Itsuki Matsunawa, walang trabaho, ay biglang lumapit sa likuran ng babaeng naglalakad pauwi sa Hachioji bandang hatinggabi noong Aug 15, iniulat ng Sankei Shimbun.

Sinabi ng biktima sa pulisya na ang  lalaki ay gumamit ng isang manipis na cord upang sakalin siya. Pagkatapos ay ninakaw niya ang kanyang handbag na naglalaman ng 2000 yen na cash.

Nagtamo ng sugat ang babae na nangangailangan ng isang linggo upang gumaling, sinabi ng pulisya.
Sinabi ng pulisya na si Matsunawa, na nakilala sa pamamagitan ng footage ng camera ng surveillance sa kalye, ay umamin sa pratang sakanya at ayon dito nagawa niya ito dahil wala siyang pambayad sa renta ng kanyang tinitirhan.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund