TOKYO (Kyodo) – Nakatakdang ideklara ng Japan ang state of emergency sa pitong pang mga prefecture bilang karagdagan sa Tokyo at limang iba pang mga lugar dahil sa isang pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19, sinabi ng mga sources ng gobyerno noong Lunes
Ang quasi-state of emergency na idineklara na sa mga bahagi ng pitong prefecture – Ibaraki, Tochigi, Gunma, Shizuoka, Kyoto, Hyogo at Fukuoka – ay lalawak sa isang state of emergency mula Biyernes hanggang Setyembre 12.
Plano ng gobyerno na magpasya ngayong Martes. Inaasahan na ipaphayag ng Punong Ministro Yoshihide Suga ang desisyon sa isang press conference pagkatapos aprubahan ito ng isang panel ng mga eksperto.
Sa state of emergency hanggang Agosto 31 para sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Osaka at Okinawa prefecture na pinalawak din hanggang Setyembre 12, ang bilang ng mga prefecture na sakop ay 13, ayon sa mga source.
Join the Conversation