TOKYO (TR) – isang lalaki ang nasa malubhang kondisyon sanhi ng sintomas ng COVID-19 ay napag-alamang tinanggihan ng mga ospital nuong nakaraang linggo, mula sa ulat ng TBS News (August 2).
Ayon sa mga taong may-kaalaman sa nasabing usapin, ang lalaki na nag-eedad ng mga 50 anyos ay nag-positibo sa novel coronavirus, na siyang nag-sasanhi ng COVID-19.
Nuong nakaraang linggo, agad niyang tinawagan ang mga emergency services nang siya ay nakaranas ng hirap sa pag-hinga. Subalit, ang ambulansiya ay tinanggihan ng mahigit 100 ospital.
Nuong umaga nang sumunod na araw, mahigit walong oras matapos niyang tumawag, siya ay tinanggap sa isang ospital na 50 kilometro ang layo.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency ng Ministry of Internal Affairs and Communications, mayroong mahigit 698 na kaso ng mga pasyenteng mayroong coronavirus na nag-aantay ng mahigit 30 minuto bago ma-admit sa isang ospital nuong linggo ng July 4, ito ay tumaas ng mahigit 1.6 na beses nuong nagdaang mga linggo.
Nuong ika-31 ng Hulyo, ang Tokyo Metropolitan Government ay nag-tala ng 4,058 na kaso ng coronavirus sa kapitolyo, ang pinaka-unang arawang pigura na lumagpas ng 4,000.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation