Isang mosque, ginawang inoculation site para sa mga dayuhan sa Japan

Ipinahayag ng alkalde ng bayan na si Uchino Masaru na ang kanyang layunin ay pataasin ang bilang ng mga nabakunahang tao sa kanilang komyunidad sa pamamagitan ng pag-tanggal ng language barrier.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang mosque, ginawang inoculation site para sa mga dayuhan sa Japan

Isang lungsod na malapit sa Tokyo ay nag-simula nang gamitin ang kanilang mosque bilang lugar ng bakunahan para sa coronavirus vaccination para sa mga dayuhang naninirahan sa nasabing lugar.

Itinalaga ng Ebina, Kanagawa Prefecture ang kanilang lokal na mosque bilang isang inoculation venue para sa mga dayuhang residente ng lugar, na siayng nahihirapan na magpa-reserve ng vaccine gamit ang wikang hapon.

Umabot sa 54 dayuhan na naninirahan sa lungsod at kalapit na bayan ang nag-tipon-tipon sa mosque nuong Sabado. Sila ay nagpa-schedule sa pamamagitan ng mosque.

Ang mga dayuhang residente ay natanggap ang kanilang bakuna matapos kunsultahin ng mga doktor sa pamamagitan ng mga tagapag-salin.

Mayroong isalng espasyo na nilagyan ng kurtina para maikubli ang mga Muslim na kababaihan habang sila ay ini-ineksyonan ng bakuna sa kanilang braso.

Sinabi ng mga opisyal ng lungsod na mag-bubukas ang mosque tuwing Sabado para sa pag-babakuna.

Isang 51 anyos na lalaki mula sa Sri Lanka ang nag-sabi na wala siyang pag-aalala sa mga wika dahil ang kanyang mga kababayan ay tutulong kung mayroon siyang hindi naiintindihan.

Ipinahayag ng alkalde ng bayan na si Uchino Masaru na ang kanyang layunin ay pataasin ang bilang ng mga nabakunahang tao sa kanilang komyunidad sa pamamagitan ng pag-tanggal ng language barrier.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund