MIE (TR) – inaresto ng Mie Prefectural Police ang 40 anyos na lalaki dahil sa pananaksak umano sa isang manloloob sa bahay ng kanyang kasintahan sa Lungsod ng Ise, mula sa ulat ng Fuji News Network (July 16).
Bandang alas-10:00 ng umaga nuong July 16, pumasok si Daiju Sakurai sa tahanan ng ginang at nilaslas umano ang leeg at ibang parte ng katawan ng isang lalaking mayroong dalang patalim.
Ang intruder, ay pinaniniwalaang nag-eedad ng mga 40’s ay nasa malubhang kondisyon sa ospital, ayon sa pulis.
Nang maaresto sa kasong suspicion of murder, bahadyang itinanggi ni Sakurai ang mga alegasyon laban sa kanya. Sinabi niya sa mga pulis na nasaksak niya ang biktima ngunit, “Hindi ko intensyon na siya ay patayin.”
Ayon sa mga pulis, si Sakurai ay nag-mamanage ng isang Izakaya restaurant sa Ise. Hindi kilala ng nasaksakdal at ng ginang ang lalaking nanloob.
Ang intruder ay pinaniniwalaang naka-pasok sa tahanan sa pamamagitan ng balkonahe. Agad naman tinawagan ng ginang si Sakurai para humingi ng saklolo. Nang dumating ang nasasakdal, ito ay nakipag-bunuan muna sa manloloob.
Bilang karagdagan sa imbestigasyon laban sa manloloob, ini-imbestigahan ngayon ng mga pulis ang dahilan na siyang nag-resulta sa nangyaring insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation