OSAKA (TR)- inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang lDominican Republic national na lalaki, dahil sa pagka-matay ng kakilala nitong Vietnamese national sa canal sa Lungsod ng Osaka nuong Linggo, ulat ng TBS News nuong ika-3 Agosto.
Nuong Huwebes, inakusahan ng mga pulis si Brian Alberto Cabrera Cruz, sa salang pag-patay. “Mag-sasalita lamang ako matapos makipag-usap sa isang lawyer,” ani umano ng suspek sa mga pulis.
Ayon sa mga pulis, ilang beses umanong inasulto ni Cruz ang lalaking biktima, 21 anyos, sa gilid ng boardwalk ng Dotonbori Canal sa Chuo Ward hanggang sa ito ay mahulog sa tubig, bandang alas-8:20 ng gabi nuong Linggo.
Agad na ini-ahon ng mga emergency personnel na rumisponde sa lugar ang Vietnamese national mula sa tubig. Ngunit kalaunan ay idineklara na wala ng buhay sa isang ospital. Pagka-lunod ang sanhi ng pagka-matay ng biktima, ayon sa mga awtoridad.
Natagpuan sa Nishinari
Bago pa man mangyari ang insidente, nag-iinuman sa boardwalk ang biktima at si Cruz kasama ng ilan pang kalalakihan.
Mula sa isang graphic footage na inilathala sa social media, isang lalaki ang ipinakita pinaniniwalaang si Cruz ang sinisipa at tinatadyakan ang biktima sa ulo habang ito ay naka-kapit sa railing. Patuloy itong ginugulpi ng suspek hanggang sa mahulog sa tubig.
Isang araw matapos ang insidente, natagpuan ng mga pulis si Cruz sa isang business hotel sa Nishinari Ward ng Lungsod ng Osaka. Ini-lagay sa kostudiya ang suspek sa suspisyon ng pag-labag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation