Isang doctor nag-deliver ng baby na nakainom ng alak sa central Japan

TOYOHASHI, Aichi - pinatawan ng order ang isang OB-GYN clinic sa central Japan na pagbutihin ang kanilang operasyon matapos na madiskubre na ang director ng clinic ay nag deliver ng baby habang nasa impluwensya ng alcohol noong Agosto 4. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOYOHASHI, Aichi – pinatawan ng order ang isang OB-GYN clinic sa central Japan na pagbutihin ang kanilang operasyon matapos na madiskubre na ang director ng clinic ay nag deliver ng baby habang nasa impluwensya ng alcohol noong Agosto 4.

Ang 68-taong-gulang na director ng OB-GYN at pediatric Mammy Rose Clinic sa Toyohashi, Aichi Prefecture, ay umamin na uminom ng alak bago mag deliver ng baby. Pansamantalang nanganganib ang buhay ng sanggol, at ang sanggol ay dinala sa ibang ospital na may pagdurugo mula sa ulo at lumalalang paggana ng baga at puso. Habang hindi malinaw kung ang pag-inom ng director ay nakakaapekto sa pagsilang, sinabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare subalit kahit na ano pa, isa itong common sense na bawal uminom kapag nasa oras ng trabaho.”

Ang ama ng bata, na nasa 40’s at naroroon delivery rom, ay sinabi sa Mainichi Shimbun na napansin niya na namumula ang mukha ng doktor at amoy alak ito, dagdag pa niya na hindi siya makapaniwal sa  apansin sa doctor at ganon na lang daw ba ka balewala ang buhay ng isang sanggol. Kaya’t pinag iisipan niya ngayon na magsampa ng civil case laban sa ospital at magsampa ng reklamong kriminal sa prefectural police.

Sinabi niya na ang ina ng sanggol ay nagpunta sa ospital dakong alas-5: 30 ng umaga noong Hulyo 25 dahil lumalakas ang sakit ng kanyang labor. Bandang 7:00 ng gabi inilipat siya sa delivery room. Bandang 8:00 ng gabi ang director ng ospital ay dumating sa delivery room na pula ang muka at amoy alak.

Nakunan pa ng video patago ng tatay habang kinokompronta niya ang doctor at doon nakunan sa video na umamin ang doctor na nakainom siya ng isang bote ng beer nung siya ang naghapunan at dumeretso pagkatapos sa delivery room.

Dagdag pa ng doctor sa video na, isang bote lang naman daw at walang epekto sa kanya, hindi daw siya lasing at parang substitute niya lang daw ito sa ocha at lagi niya daw iyong ginagawa kahit magdedeliver siya ng baby.

Ayon sa paliwanag ng klinika, nahirapan daw talaga sa deiver ang nanay kung kaya’t ginamitan ng director ng forceps at vacuum.  Kayat nagka kumplikasyon ang baby kasunod ay dinala ang bata sa emergency room ng Toyohashi Municipal Hospital. Ang ulo ng baby ay dumudugo dahil sa na puwersa ng husto kayat nagka subgaleal hemorrhage ang sanggol ay inilagay sa isang ventilator at binigyan ng pagsasalin ng dugo.

Tumanggi namang mag bigay ng pahayag ang clinic.

&nbspIsang doctor nag-deliver ng baby na nakainom ng alak sa central Japan
The father is seen holding a tablet that recorded his conversation with the clinic’s director, in this partially modified image taken in Nagoya on July 29, 2021. (Mainichi/Shinichiro Kawase)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund