Tokyo– ang ika-limang wave ng coronavirus na tumama sa Japan ay nag-resulta sa pag-taas ng mga kaso sa mga taong nag eedad 20 pababa– mataas rin ang kaso ng pag-kalat ng nakahahawang Delta variant. Ang mga day care center sa Tokyo ay nagkaroon rin ng COVID-19 clusters, at ang bilang nang mga centers na pansamantalang itinigil ang kanilang operasyon ay dumoble na sa buwang ito. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, umabot ng mahigit na 22,175 katao na mga nag-eedad ng 20 anyos pababa ang nag-karoon ng impeksyon sa buong Japan sa pagitan ng petsang August 11 hanggang 17.
7,441 rito ay nag-eedad ng 9 anyos pababa at 14,734 ay nag-eedad ng 10 anyos hanggang 19 anyos. Partikular sa lugar na Tokyo, kung saan talamak ang pag-kalat ng impeksyon, mayroong mahigit na 100 katao na nag-eedad na 20 anyos pababa ang nahahawaan ng impeksyon araw-araw mula pa nuong kalagitnaan ng July, at umabot na ang pigura sa pinaka mataas na tala na 904 katao nuong August 21. Ang proportion ng mga nahawaan ng impeksyon na nag-eedad 20 anyos pababa ay tumatayo sa 11% nuong ika-1 ng July, ngunit umakyat sa 17% nitong August 23.
Yuho Horikoshi, ang chief physician ng Department of Infectious Disease sa Tokyo Metropolitan Children’s Center sa suburban Tokyo City ng Fuchu, ay nag-sabi na nuong buwan ng Abril at Mayo, ang bilang ng mga batang pasyente na nahawaan ng impeksyon ng coronavirus ay single digit lamang, ngunit mula nuong June, 10 hanggang 20 higaan na available para sa mga coronavirus patients ay napunan. Halos lahat ng kaso sa mga kabataan ay mayroong kaunting sintomas o walang sintomas na nararamdaman. Ngunit sila ay na-ospital dahil sa sitwasyon sa kanilang tahanan, tulad ng ang kanilang parehong magulang ay nasa ospital dahil rin sa coronavirus. Ang ilan namang kaso ay mayroong sintomas ng pagkakaroon mg lagnat, pag-ubo, pag-susuka at pag-tatae. Sa ilang mga rare cases, kinakailangan na lagyan ng dextrose ang pasyente upang mapataas ang fluids nito, habang sa mga nagkaroon ng pneumonia, kinakailangan na gumamit ng oxygen o artificial respirator.
Ayon sa health ministry research team, bandang 70% ng coronavirus infection ng mga taong nag-eedad ng 20 anyos pababa ay nangyayari sa loob ng kanilang tahanan, pinaniniwalaan na ang impeksyon ay nag-mumula sa mga ama sa halos kalahati ng mga kaso. Ngunit sinabi rin na sa ika-limang wave, ang route nf impeksyon ay nag-bago. Nagpahayag rin ang associate professor na si Tomohiro Katsuta ng St. Marianna University Hospital sa Lungsod ng Kawasaki sa Kanagawa Prefecture, south ng Tokyo na “Walang pag-babago na nagkakaroon ng hawaan sa loob ng tahanan, ngunit ang impeksyon sa mga day care centers at iba pang pasilidad ay nangyayari din. Dapat rin na mag-ingat ang iba dahil mayroong tiyansa na sila ay mahawa mula sa mga bata.”
Ang impeksyon rin sa mga fenerasyon ng mga magulang ay mataas. Sa isang linggo sa pagitan ng August 11 hanggang August 17, halos 60% ang kaso ng coronavirus sa mga tao0ng nag-eedad ng 20 anyos hanggang 40 anyos. Nag-sabi rin si Katsuta na, “Ang mga kabataan na nag-eedad ng 12 anyos pababa ay hindi pa maaaring mabakunahan, kaya hinihikayat ko ang kanilang mga magulang na magpa-bakuna upang maiwasan na ang mga ito ay mahawaan. May ilang mga kaso rin na ang isang aksyon na ginawa ng isang nakakatanda ay nag-reresulta sa pagka-hawa ng buong pamilya, kaya nais kung pagsabihan ang mg tao na iwasan na lumabas kung hindi naman talaga kinakailangan.”
(Japanese original by Naomi Hayashi and Yuki Nakagawa, Lifestyle and Medical News Department)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation