Idadagdag pa ang 8 Prepektura sa kasalukuyang State of Emergency ng bansa

Dahil sa kakulangan ng mga kama, mahigit 25,000 pasyente ang nagpapa-galing sa loob ng kani-kanilang tahanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIdadagdag pa ang 8 Prepektura sa kasalukuyang State of Emergency ng bansa

Naka-takdang palawakin ng pamahalaan ng Japan ang coronavirus state of emergency sa walo pang prepektura upang ma-control ang pag-taas ng impeksyon. Sa kasalukuyan, ang state of emergency ay naka-pataw sa 13 prepektura, kabilang ang Tokyo at Osaka.

Plano ng pamahalaan na idagdag ang 8 pang prepektura, kabilang ang Hokkaido, Miyagi, Aichi at Hiroshima.

Ang bagong deklarasyon ay ipatutupad ngayong Biyernes, hanggang ika-12 ng Septyembre.

Nagsa-gawa ng isang pag-pupulong si Prime Minister Suga Yoshihide nitong Martes kasama ang Economic Revitalization Minister Nishimura Yasutoshi, na siyang naka-talaga sa coronavirus response, kasama rin sa pag-pupulong sina Health Minister Tamura Norihisa at iba pang mga minister na may kaugnayan sa nasabing usapin. Umabot ng isang oras ang nasabing pag-pupulong.

Matapos ang pag-pupulong, sinabi ni Suga sa mga reporters na ipa-aabot niya sa advisory panel ng pamahalaan ngayong Miyerkules ang nilalaman ng kanilang napag-usapan sa pag-pupulong.

Kinumpirma ng Tokyo ang 4,220 na bagong kaso ngayong Mars, na siyang nag-susumatotal na 100,961 kaso ng impeksyon nitong Agosto. Ito ang kaunahang pagkaka-taon na ang buwanang bilang ay umabot sa 100,000.

At unang pagkaka-taon rin na ang bilang ng mga naospital sa Tokyo ay lumagpas ng 4,000 nitong Lunes.

Dahil sa kakulangan ng mga kama, mahigit 25,000 pasyente ang nagpapa-galing sa loob ng kani-kanilang tahanan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund