Inaasahang aprubahan ng US Food and Drug Administration ang coronavirus booster shots upang maka-tulong sa pag-laban sa muling pag-kalat ng impeksyon. Ang nasabing bosster shot ay ibabakuna sa mga taong may mahinang immune system.
Ipinahayag ni Rochelle Walensky, ang direktor ng Centers for Disease Control and Prevention na nakikipag-tulungan ang FDA sa kumpanya ng Pfizer at Moderna upang pahintulutan ang boosters para sa mga taong nangangailangan nito.
Idinagdag rin nito na ang adisyonal na pag-babakuna ay makaka-tulong bilang proteksyon para sa mga tao, ito ay napaka-importante lalo na at patuloy na kumakalat ang Delta variant.
Sinabi ng FDA na naniniwala silang hindi pa kailangan ng mga naka-tatanda ang booster shots, ngunit pinag-aaralan na ang nasabing sitwasyon. Iminu-mungkahi rin ng regulator na mabakunahan ang mga nag-dadalang tao. Sinabi nito na ayon sa pag-sisiyasat ng kanilang pag-aaral, wala namang nakitang magiging pinsala sa kalusugan ng mga ito.
Ang pag-aanunsiyo tungkol sa boosters ay isinagawa dahil sa pag-taas ng bilang ng impeksyon sa Estados Unidos. Ang mga ospital sa southern states kabilang ang Florida, Texas at Louisiana ay nakararanas na ng kakulangan sa mga hospital beds. Naapektuhan na rin ang mga northern states sa nasabing outbreak.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation