Nalaman ng NHK na ang isang buntis na covid positive ay hindi makahanap ng ospital na tatanggap sakanya para bigyan ng emergency treatment ang kanyang premature na baby hanggang sa namatay ang sanggol.
Ang residente ng karatig Chiba Prefecture ng Tokyo, na walong buwan na buntis, ay tumawag sa isang ambulansya noong Martes matapos siyang makaranas ng pagdurugo.
Ang babae, na nasa edad 30, ay nagpapahinga sa bahay matapos na magpositibo para sa coronavirus.
Ang emergency team at ang lokal na tanggapan ng public health ay hindi makahanap ng isang hospital na tumatanggap sa buntis na covid patient.
Napilitan ang babae na manganak sa kanyang bahay makalipas ang ilang oras. Ang sanggol ay premature ay nakuha din na madala sa isang ospital, ngunit huli na at hindi na siya nabigyan ng pangunang paggamot.
Ang mga ospital ay aminadong kailangan nilang mag tatag ng lugar na mapag dadalhan sa mga babaeng positibo sa coronavirus at handa para sa isang caesarian o agad na ihiwalay ang sanggol. Ngunit hindi lahat ng mga ospital ay may kakayahang gawin ito.
Ang mga Obstetrician at gynecologist sa prefecture ay nagsagawa ng isang emergency na pagpupulong sa online upang talakayin ang kaso.
Sumang-ayon sila na magpasya muna kung aling ospital ang dapat dalhin ang isang buntis kung sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Join the Conversation