Bilang ng mga COVID-19 patients na nananatili sa kanilang tahanan,tumataas

Paminsan-minsan, tinatanggihan ng mga doktor ang mga tawag mula sa mga kabahayan kapag wala available na oxygen concentrator.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBilang ng mga COVID-19 patients na nananatili sa kanilang tahanan,tumataas

Ang bilang ng mga COVID-19 patients na nananatili sa kanilang tahanan sa Tokyo ay patuloy na tumataas sa gitna nang patuloy na pag-dami ng mga bagong kaso.

Ang bilang ng mga taong naoospital dahil sa impeksyon ay umabot na sa 4,000 sa unang pagkaka-taon sa kapitolyo ng Japan. Aabot ng 25,000 katao na may kaunti lamang na nararanasang sintomas o di kaya naman ay walang nararamdamang sintomas ay nag-iisolate sa kanilang tahanan.

Ang mga doktor na naka-rehistro sa grupong tinatawag na fastDOCTOR ay binibisita ang mga pasyente sa kanilang tahanan sa paki-usap ng pamahalaan ng Tokyo.

Ang isang pasyente na nasa kanyang 20’s ay nakatatanggap ng regular na tawag mula sa kanyang telepono mula lokal na public health office upang i-check ang kanyang sitwasyon.

Ngunit sinabi nito na siya ay nag-aalala dahil baka biglang lumala ang kanyang sitwasyon sa pagitan ng mga tawag.

Isa pang at-home patient ay isang ginang na nasa kanyang 50’s. Maaaring nag-develope ng pneumonia ang ginang ngunit hindi naka-hanap ng ospital na tatanggap sa kanya ang lokal health center nitong mga nagdaang linggo. Ang doktor na bumibisita rito ay gumamit ng oxygen concentrator upang matulungan itong maka-hinga ng maayos.

Paminsan-minsan, tinatanggihan ng mga doktor ang mga tawag mula sa mga kabahayan kapag wala available na oxygen concentrator. Sa mga ganung sitwasyon, sila ay tumatawag ng ambulansiya para sa emergency aid.

Si Dr. Kikuchi Ryo, na siyang nagre-represent ng FastDOCTOR, ay nag-pahayag na maraming at-home patients ang nag-dedevelope ng pneumonia dahil sila ay hindi madala sa ospital.

Siya rin ay nangangamba na ang Tokyo Paralympics ay maaaring mag-sanhi upang mag-lalabas ang mga tao at mag-sanhi na magkaroon ng risk na mahawa ng impeksyon ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund