Ayon sa Ministro; dapat ma-iwasan ang pagka-contaminate ng vaccine

Idinagdag rin nito na wala pa namang nai-tatalang health problem na nangyari na  may kaugnayan sa bakuna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAyon sa Ministro; dapat ma-iwasan ang pagka-contaminate ng vaccine

Ipinahayag ng Japan Health Minister na si Tamura Norihisa na kakausapin ng pamahalaan ang Moderna and Takeda Pharmaceutical na magsa-gawa ng hakbang upang maiwasan mapasukan ng foreign substance ang vials ng mga bakuna.

Natagpuan ang foreign substance sa mga hindi pa bukas na vials ng bakuna ng Moderna vaccine sa walong vaccination sites sa Japan nitong kalagitnaan ng Agosto. Napag-desisyonan ng pamahalaan na ipatigil muna ang pag-gamit ng 1.63 million na doses ng bakuna sa parehong production line.

Ang Takeda ang namamahala sa pagdi-distribute ng Moderna Vaccine sa Japan.

Sinabi ni Tamura sa mga reporters nuong Biyernes na ang nasabing insidente ay nagbigay ng pag-alala sa mga taong nais magpa-bakuna.

Sinabi nito na dapat malaman ng Moderna at Takeda ang sanhi ng kontaminasyon at dapat na gumawa sila ng hakbang upang ito ay hindi na ma-ulit.

Ipinahayag rin ng minister na hindi gagamitin ng mga medical workers ang mga vials na may visual confirmation na nag-lalaman ng foreign substances. Idinagdag rin nito na wala pa namang nai-tatalang health problem na nangyari na  may kaugnayan sa bakuna.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund