74-yr-old na nagwala na may dalang lagare namatay matapos barilin ng pulis sa Tokyo

Isang 74-taong-gulang na lalaki sa silangang lungsod ng Japan ang nabaril sa kanang dibdib ng isang senior police matapos siyang magdala ang lagari at lumusob sa pulis at isang inspektor noong Agosto 28, nakumpirma ang kanyang pagkamatay pagkalipas ng 1/2 oras sa ospital. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp74-yr-old na nagwala na may dalang lagare namatay matapos barilin ng pulis sa Tokyo

SOSA, Chiba – Isang 74-taong-gulang na lalaki sa silangang lungsod ng Japan ang nabaril sa kanang dibdib ng isang senior police matapos siyang magdala ang lagari at lumusob sa pulis at isang inspektor noong Agosto 28, nakumpirma ang kanyang pagkamatay pagkalipas ng 1/2 oras sa ospital.

Ayon sa Sosa Police Station ng Chiba Prefectural Police, nakatanggap ito ng reklamo bandang 6:40 ng umaga. Ayon sa nag reklamo, “napaka-ingay daw ng isang rice husk dryer.” Ang lalaking senior police official at ang lalaking inspektor ay binisita ang may-ari ng makina at kinukwestyon ito.

Bandang alas-8 ng gabi, ang lalaking tumawag at nagreklamo ay biglang sumulpot na may dalang lagari na may humigit-kumulang 30 sentimetrong haba ng talim. Inutusan siya ng pulisya na bitawan ang lagari at nagpaputok ng warning shot ang pulis. Pagkatapos ay binaril ng opisyal ang lalaki matapos siyang lumusob sa mga pulis.

Ayon sa istasyon ng pulisya, ang namatay na si Seiichi Ebato, lwalang trabaho ay nakatira malapit sa lugar.

Ang istasyon ng pulisya ay nakatanggap ng mga konsulta tungkol sa ingay makina ng apat na beses. Si Yoshinori Takaya, representante ng punong hepe ng istasyon ng pulisya, ay nagkomento, “Sa puntong ito, isinasaalang-alang namin na nararapat naman talagang gamitan ng baril lalo na kung may direktang banta sa buhay ng kapulisan.”

(Orihinal na Japanese ni Tomohiro Shibata, Chiba Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund