64 katao ang namatay dahil sa COVID cluster sa Okinawa Hospital

Ngunit sinabi rin nila na karamihan sa mga pasyente ay hindi mailipat dahil malubhang sitwasyon ng kanilang kalusugan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp64 katao ang namatay dahil sa COVID cluster sa Okinawa Hospital

May kabuoang 64 na pasyente sa isang ospital sa Okinawa Prefecture ay namatay dahil sa coronavirus cluster infection.

Ang mga pasyente at mga staff ng Uruma Kihen Hospital ay nag-simulang magka-hawa-hawa ng Delta Variant bandang mid-July. Mabilis na kumalat ang impeksyon at nag-developed sa pinaka-malaking scale cluster infection na nai-tala sa prepektura.

Ipinahayag ng opisyal ng prepektura na may mahigit 173 pasyente at 23 na staff member ang kasalukuynag nakumpirmang nahawaan ng kaso.

Sinabi ng mga opisyal ng ospital na may limang katao nang kinumpirmang namatay nuong July 30 at ang bilang ng mga namamatay ay patuloy na tumataas.

Sinabi nila na ang karamihan sa mga pumanaw ay puro naka-tatanda  at ilang mga pasyente ay namatay matapos mailipat sa ibang ospital.
Ngunit sinabi rin nila na karamihan sa mga pasyente ay hindi mailipat dahil malubhang sitwasyon ng kanilang kalusugan.

Ang mga doktor at nurses ng ospital at iba pang mga medical staff ang siyang nag-dala ng mga pasyente sa iba pang caring facilities.

Isang opisyal ang nag-pahayag na kung hindi nahawaan ang mga pasyente, may posibilidad na ang mga ito ay patuloy nang nakakapag-pagaling sa kanilang ospital. Sinabi ng mga opisyal ng ospital na gagawin lahat ng kanilang ospital upang mausong ang posibleng problema sa sitwasyon.

 

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund