Ipinahayag ng mga Tokyo police na mahigit na 50 aksidente na ang nangyayari sa kapitolyo na sangkot ang mga sasakyan ng Olympics sa unang linggo matapos mag-simula ang Palaro.
Mahigpit na traffic restrictions ang ipinasasa-tupad mula nuong July 19 at sa mga katabing lungsod kung saan mayroong venues para sa Olympic.
Ang ilang mga kalsada ay may priority lanes na nakalaan para lamang sa Olympic-realted vehicles.
Napag-alaman ng NHK mula sa Tokyo Police na mayroon nang 50 aksidenteng kasangkot ang mga sasakyan pang-palaro sa buong linggo hanggang July 29.
Sinabi ng isang opisyales na ang nangyaring aksidente ay nag-sanhi ng isang minor personal injury, ngunit halos lahat ay nag-sangkot lamang nang sira sa mga sasakyan at iba pang property.
Ang mga driver at ibang staff ng mga sasakyan na nag-sasakay ng mga atleta sa palaro ay tinanggap mula sa 600 na Japanese bus at iba pang kumpanya.
Ayun sa mga pulis, ang isang factor ng mga nasabing aksidente ay maaaring dahil sa kakulangan ng karanasan ng mga driver na makapag-maneho sa siyudad.
Idinagdag rin nito na maaaring nag-mamadali ang mga driver na makarating sa mga venue sa tamang oras kaya nangyari ang ibang aksidente.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation