Visually-impaired na lalaki, nasugatan nang makaladkad ng train

Isang lalaki na visually-impaired ang bahagyang nasugatan noong Lunes matapos mahulog sa platform ng station sa Tokyo at nakaipit ang kanang kamay sa nakasarang pinto ng isang commuter train at nkaladkad siya ng halos dalawang metro, ayon sa train operator. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspVisually-impaired na lalaki, nasugatan nang makaladkad ng train

YOKOSUKA, Japan (Kyodo) – Isang lalaki na visually-impaired ang bahagyang nasugatan noong Lunes matapos mahulog sa platform ng station sa Tokyo at nakaipit ang kanang kamay sa nakasarang pinto ng isang commuter train at nkaladkad siya ng halos dalawang metro, ayon sa train operator.

Ang lalaki na nasa edad 60 ay tumama ang kanyang ulo at ibabang likod nang siya ay nahulog sa platform, na bigla namang napansi ng isang konduktor at nag emergency break upang ihinto ang train.

Ayon sa Keikyu Corp., ang lalaki ay nagtangkang sumakay sa isang commuter train sa Keikyu Kurihama Station sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, dakong ala-1 ng hapon. nang ang kanyang kamay na may hawak na isang puting tungkod para sa mga taong may kapansanan sa paningin ay naipit sa pintuan ng tren.

Ayon sa konduktor ng train napansin niyang papasok ang matanda ngunit akala niya ay tuluyang nakapasok na ito kaya isinara niya na ang pintuan. Yun pala ay naipit na ang kamay ng matanda at nakaladkad na siya.

Ang operator ng train ay naglabas ng isang pahayag na humihingi ng paumanhin sa aksidente, na nangangako na gagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang isang katulad na aksidente sa hinaharap.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund