SECURITY GUARD, NANGHOLDUP AT TINANGAY ANG BAG NG ISANG BABAE SA FUJISAWA

Natagpuan ng mga awtoridad ang security guard sa Lungsod na bitbit pa ang ninakaw na bag ng biktima na ang tanging laman ay saging at ilang pares ng medyas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA- Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang lalaking security guard, dahil diumano sa pagnanakaw sa isang babae nitong Miyerkules sa Lungsod ng Fujisawa, iniulat ng NHK ( Hulyo 1).

Dakong 7:30 ng gabi, habang naglalakad pauwi si Akihiro Kojima, 30, hinarang siya diumano ng suspek at pinagbantaan, ” akin na ang pera”.

Matapos ay biglang hinila ng suspek ang buhok ng biktima, dahilan upang ito ay humandusay sa kalsada at masugatan sa magkabilang siko, kungsaan nakakuha ng tiyempo ang suspek upang hablutin ang bag ng biktima.

Ayon sa mga pulis, si Kojima ay nakatira sa Lungsod ng Yamato. Matapos ang insidente, natagpuan ng mga awtoridad ang security guard sa Lungsod na bitbit pa ang ninakaw na bag ng biktima na ang tanging laman ay saging at ilang pares ng medyas.

&nbspSECURITY GUARD, NANGHOLDUP AT TINANGAY ANG BAG NG ISANG BABAE SA FUJISAWA

Sa kanyang pagkaaresto sa salang Robbery resulting to Injury, sinasabi na inamin ng suspek ang nagawang krimen.

Kasalukuyang iniimbistigahan ng mga awtoridad ang dalawa pang kaso ng pananambang na sa kakabaihan sa nasabing lugar sa Fujisawa sa loob lamang ng 90 minutos sa parehong gabi. Sa isang reklamo, hinipuan ng suspek ang kanyang biktima sa bandang ibaba ng katawan nito.

Inaalam ng mga awtoridad kung ang suspek ang nasa likod ng mga sinasabing insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund