AKITA – Ang rice field art na itinanim sa mga lugar sa kahabaan ng Akita Nairiku Line na tumatakbo sa hilaga hanggang timog sa Akita Prefecture ay ay nasa peak na ng kanilang kagandahan.
Nagtulungan ang mga lokal na nagtatanim ng limang uri ng halaman ng bigas upang mapagbuti ang mga apela ng aesthetic ng linya. Ang mga pasahero ng train ay maaaring makinig sa paliwanag ng isang guide at kumuha ng mga larawan ng artwork.
Pag-alis sa hilaga mula sa Kakunodate Station, kung saan tumitigil din ang Akita Shinkansen, ang tampok na ricefield artwork ay ang: isang batang snow o snow child sa pagitan ng Kakunodate Station at Ugo-Ota Station, espesyal na “EMI” na train car at paper balloon lantern na nakikita mula sa Kamihinokinai Station platform, isang Ani Matagi hunter at hunt dog sa pagitan ng Aniai Station at Kobuchi Station, mabulaklak na Mount Moriyoshi sa pagitan ng Maeda-Minami Station at Ani-Maeda Onsen Station, at Hello Kitty at maskot ng Isedotai archaeological site na “Isedokun” na makikita mula sa Jomon-Ogata Platform ng istasyon.
Ang mga magagandang tanawin ng artwork ay posibleng masilayan hanggang sa unang bahagi ng Setyembre. Para sa mga katanungan, makipag-ugnay sa Akita Nairiku Jukan Tetsudo Railway Co. sa 0186-82-3231 (sa wikang Japanese).
(Japanese original ni Akira Kudo, Akita Bureau)
Join the Conversation