Kinumpirma ng mga opisyal sa lungsod ng Atami ang kaligtasan ng 41 na katao ngunit marami pa rin ang hindi pa matatagpuan, matapos mangyari ang hindi inaasahang pag-guho ng lupa na siya lumamon sa isang resort na may mahigit na 90 kilometro ang layo sa Tokyo nitong nakaraang linggo lamang.
Habang patuloy pa rin ang pag-hahanap sa iba pang naka-ligtas, apat na katao na ang kinumpirmang pumanaw.
Isang rumaragasang putik ang umagos sa isang siyudad ng prepektura ng Shizuoka nuong Sabado, na siyang tumangay sa mahigit 130 gusali kabilang ang maraming kabahayan.
Mas lalong pina-bibilis ng mga rescuers ang pag-hahanap sa mga nawawalang tao upang may agad na maibalita sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima.q
Isang lalaki na ang asawa ay kabilang sa mga hindi pa matatagpuan ang nag-sabi na wala siya sa kanilang tahanan nang maganap ang sakuna, ngunit naroon ang kanyang asawa. Idinagdag pa nito na hinahangad niya na mahanap na ito sa lalong madaling panahon.
Isang lalaki rin na nawawala ang kaibigan ang nag-sabi na “Hindi ko pa nako-contact ang aking kaibigan, at sana siya ay matagpuan na kaagad at nasa mabuting kalagayan.”
Patuloy pa rin kinumpirma ng mga opisyal ang pagkaka-kilanlan ng 24 katao at sila ay nag-release na ng listahang ng mga pangalan nito, at ang bilang na ito ay patuloy pa na dumarami.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation