Tatlong taon na ang nakalilipas, nag-sanhi ng isang malaking kalamidad sa western Japan ang patuloy na pag-bagsak ng malakas na ulan, ito ay kumitil sa buhay ng mahigit na 281 katao sa apat na prepektura. Mahigit 1,000 katao ang naka-ligtas sa nasabing sakuna at patuloy na namumuhay sa mga pansamantalang pabahay.
Nuong Hulyo ng taong 2018, ang malakas na pag-bagsak ng ulan ay nag-sanhi ng paka-matay ng mahigit 150 katao sa Prepektura ng Hiroshima, 95 katao sa Okayama, 33 katao sa Ehime at 3 katao sa Yamaguchi, kabilang ang mga taong namatay sanhi ng mga disaster-related causes. At siyam na katao ang hindi na natagpuan.
Ayon sa pahayag ng mga prefectural governments, ang mga pamilya na naninirahan sa mga pansamantalang pabahay hanggang nito katapusan ng Hunyo ay nasa 732 katao sa Okayama, 223 katao sa Ehime, 93 katao sa Hiroshima at 5 katao sa Yamaguchi.
Matumal ang progreso nang muling pagsasa-ayos ng kanilang tirahan dahil sa ang kaligtasan ng komyunidad ay hindi pa nasisigurado. Dahil sa kakulangan ng mga mang-gagawa, ang pagpapa-ayos ng mga kalsada at iba pang mga lugar ay palaging nade-delay.
Malaking pag-subok ang hinaharap sa muling pagsasa-ayos ng mga lugar na nag-tamo ng malubhang pinsala at ang pag-rerevive ng mga local communities kung saan ang society ay nabuwag.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation