TOKYO- in-adjust ng Metropolitan Expressway sa Tokyo nuong Lunes ang mga bayad sa toll para sa pribadong sasakyan para sa panahon ng Olympic. At simula sa Biyernes, ang priority lane para sa Olympic Vehicles ay ipapa-tupad na.
Sa ilalim ng sistema, na siyang ipapatupad hanggang August 8, ang mga bayad sa mga pribadong sasakyan na gagamit sa Metropolitan Expressway ay tataas ng 1,000 yen kumpara sa normal na halaga nito mula alas-6:00 ng umaga hangang alas-10:00 ng gabi upang maiwasan ang traffic habang isinasa-gawa ang Olympics. Ito rin ay ipasasakatuparan sa panahon ng Paralympics mula August 24 hanggang September 5.
Ang mga bus, taxi, trucks at mga pre-registered assistive vehicles para sa mga taong may kapansanan ay ie-exempt mula sa mga extra toll. Ang mga tolls ay magiging kalahati mula alas-12:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga para sa mga vehicle na equipped ng electronic toll collection system, o ETC, ayon sa transport ministry.
Samantalang, ang priority lane ay gagamitin para sa mga vehicles na nag-sasakay ng mga atleta, IOC officials at mga visiting dignitaries papunta at pauwi mula sa 11 venue sa Tokyo at Chiba Prefecture.
Sinabi ng mga pulis na ang mga drayber ng mga sasakyan na walang kaugnayan sa Olympics ay maaaring mag-multa kapag nahuli silang gumagamit ng priority lane.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation