Lasing na nagpalipad ng drone, inaresto sa kauna-unahang kaso ng paglabag sa Aichi Prefecture

Isang 56-taong-gulang na lalaki ang inaresto sa pinaka unang kaso sa Aichi-ken dahil sa paglabag sa bagong naisabatas na laban sa pagpapalipad ng drone habang lasing. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLasing na nagpalipad ng drone, inaresto sa kauna-unahang kaso ng paglabag sa Aichi Prefecture

TOKYO

Isang 56-taong-gulang na lalaki ang inaresto sa pinaka unang kaso sa Aichi-ken dahil sa paglabag sa bagong naisabatas na laban sa pagpapalipad ng drone habang lasing.

Ang insidente ay naganap noong Hunyo 12 sa Toyota City, Aichi Prefecture, nang nakainom ang suspek ng walong lata ng beer sa pagitan ng 7 ng umaga hanggang tanghali.

Matapos na uminom ay nagpasya siyang malinis ng kanyang kwarto nakita niya ang drone na binili niya ilang taon na ang nakakalipas at inilabas ito sa kahon upang makita kung gumagana pa ito.

Habang pinapalipad ang drone sa labas ng kanyang bahay na may bigat na 540 gramo ay nabangga niya ito sa bintana ng kanyang kapitbahay. Tumawag naman ang kapitbahay ng pulisya upang iulat ang pag-crash at ang kasunod na siniyasat ng pulis ang suspek at natagpuang lasing pala ito habang nagapapalipad ng drone kaya’t agad na inaresto siya ng pulisya.

Ayon sa Aeronautics law, may iba’t ibang mga probisyon para sa mga drone. Kabilang  na ang pagpapalipad nito habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund