LALAKI TUMALON SA TRACKS NG NAKAMEGURO STATION UPANG MAKATAKAS

"Tumakas siya at tumakbo sa mga riles".

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLALAKI TUMALON SA TRACKS NG NAKAMEGURO STATION UPANG MAKATAKAS

TOKYO- Kasalukuyang pinaghahanap ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki na nakatakas sa pamamagitan ng paglukso sa riles ng tren sa Meguro Ward noong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng TV Asahi (Hulyo 5).

Ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa edad 40, sinasabing hinipuan nito ang isang babae sa karwahe ng Tokyu Toyoko Line bago ito dumating sa Nakameguro Station.

Sa istasyon, tumalon ang lalaki mula sa platform ng Toyoko Line at tumakbo sa tracks sa ibaba. “Tumakas siya at tumakbo sa mga riles” iniulat ng isang empleyado ng istasyon sa kapulisan dakong 8:30 ng umaga.

Sa footage na ibinahagi ng network, ang lalaki ay nakasuot ng dark na t-shirt at gray na pantalon at may dalang bag at tumatakbo sa gilid ng track bed ng Toyoko Line.

Ang insidente ay sanhi ng pagkaantala ng Toyoko Line nang halos 22 minuto, sinabi ng Tokyu Railways Company.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund