Lalaki na-bigyan ng 2,100 na lapad na danyos dahil nadulas ito sa basang sahig ng supermarket

Inatasan ng korte sa Tokyo ang isang operator ng supermarket na bayaran ang 2,100 na lapad sa isang lalaki na nasaktan matapos dumulas sa sahig na basa ng tubig mula sa mga lettuce habang namimili siya. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki na-bigyan ng 2,100 na lapad na danyos dahil nadulas ito sa basang sahig ng supermarket

Inatasan ng korte sa Tokyo ang isang operator ng supermarket na bayaran ang 2,100 na lapad sa isang lalaki na nasaktan matapos dumulas sa sahig na basa ng tubig mula sa mga lettuce habang namimili siya.

Ipinasa ng Tokyo District Court ang desisyon noong Miyerkules sa isang demanda na isinampa ng lalaki, na nasa 60 na at nakatira sa Tokyo.
Ang lalaki ay namimili sa isang supermarket sa Kanagawa Prefecture, na magkadugtong sa Tokyo, limang taon na ang nakalilipas nang siya ay nadulas sa sahig sa grocery section. Siya ay nagkaroon ng disability bilang resulta ng aksidente at nagsampa ng demanda laban sa supermarket.

Iginiit naman ng operator ng supermarket ang sinabi ng lalaki at lumaban ito sa demanda, sinasabing ang sahig ay hindi maaaring basa.

Ayon sa depensa nila nadulas ang lalaki dahil nakasuot ito ng madulas na sandalyas at nagmamadali.

Sinabi ng namumuno na hukom na si Shinada Yukio na basa ang sahig sapagkat sa tuwing kukuha ang isang customer ng lettuce ay tumululo ang tubig sa sahig mula sa istante.

Sinabi niya na alam ng tindahan na maaari itong mangyari ngunit hindi nito hinarap ang problema, tulad ng regular na pagpunas sa sahig.

Inutusan ang supermarket na bayaran ang lalaki ng higit sa 21 milyong yen na danyos para sa pagkawala ng trabaho at kabayaran para sa kanyang disability.
Tumanggi na magbigay ng comment ang supermarket.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund