Maliliit at puting “Baikamo” na mga bulaklak ang namumukadkad sa isang napakalinaw na batis sa Prepektura ng Shiga sa Lungsod ng Maibara.
Ang mga puting bulaklak sa Jizo River ng lungsod ay nagdadagdag ng magandang tanawin sa dating Nakasendo Trail, isa sa mga pangunahing ruta na kumokunekta sa Tokyo at Kyoto nang panahon ng Edo (1603-1867).
Ang Baikamo ay isang perennial plant na kabilang sa pamilya ng Buttercup, at lumalagong kumpol-kumpol sa malinaw na sapa. Ang mga bulaklak na ito – ay 1 sentimeter ang lapad – kahawig ng mga bulaklak ng Plum. Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Maibara, ang Baikamo ay nagsimulang mamulaklak nang mas maaga kaysa sa karaniwan sa taong ito, sa unang bahagi ng Mayo, kungsaan ang mga bulaklak na ito ay pinaka-maganda hanggang Agosto.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation