Ang low-cost carrier na Spring Airlines Japan ay isa ng subsidiary ng Japan Airlines ( JAL ).
Ipinahayag ng JAL officials na sila ay nagdagdag ng investment sa unit ng nasabing airline na nakabase sa Tsina, na nagpataas sa kanilang Stake sa two-thirds (2/3).
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang company strategy upang mas patatagin ang kanilang pagiging LLC ( Limited Liability Company) business at kumita ng naayon sa expected recovery sa tourism demand.
Ang Spring Airlines Japan ang magkokonekta sa Narita Airport sa labas ng Tokyo sa Nanjing, Tianjin at iba pang pangunahing mga Lungsod sa China. Nilalayon ng JAL na makapaglungsad ng mas marami pang ruta patungo ng China.
Pinaplano din ng kumpanya na mas paigtingin ang kanilang investment sa Jetstar Japan upang mas maiayos at palawakin ang kanilang domestic coverage. Ang JAL ay may kasalukuyang significant stake sa low-cost carrier. Isa sa major owners ang Quantas Group ng Australia.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation