Isang video ang nagpapa-kita na ang lalaking tumatakbo dahil sa pangunguha ng mga bastos na larawan ay na-hulog umano sa Yamanote Line Bridge

"Ito ay isang standard procedure," ayon sa statement na ibinigay ng Tokyo Police ukol sa insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang video ang nagpapa-kita na ang lalaking tumatakbo dahil sa pangunguha ng mga bastos na larawan ay na-hulog umano sa Yamanote Line Bridge

TOKYO (TR) – isang lalaki ang nag-tamo ng pinsala matapos itong mahulog sa isang tulay sa Shibuya Station habang nagtatangkang tumakas mula sa mga pulis dahil sa pang-hihipo at pang-hahablot na inireklamo laban dito nuong Lunes ng gabi, pahayag ng mga pulis.

Plano ng mga pulis na kwuwestiyonin ang lalaki matapos umano nitong kumuha ng tosatsu (malaswang akto) matapos nitong makatanggap ng medikal na atensyon, ayon sa ulat ng TV Asahi (July 6).

Sa isang kuha ng security camera, ang lalaki ay makikitang tumatakbo sa kahabaan ng JR Yamanote Line tracks sa papular na tulay sa “Scramble Crossing” intersection habang hinahabol ng isang pulis.

Ang lalaki na naka-suot ng itim na pantalon at puting t-shirt, ay pababa ng hagdan at umakyat sa gilid ng tulay. Matapos itong ma-hablot ng pulis, patuloy pa rin ito sa pag-takbo sa gilid ng tulay.

Nang muli siyang maabutan ng pulis, siya ay nahulog sa gilid ng tulay at tuluyang bumagsak sa kalsada sa ibaba.

Isang kuha naman ang makikita na siya ay pinipigilan ng isang pulis habang ito ay naka bulagta at duguan sa kalsada.

Bago pa mangyari ang insidente, isang lalaking pasahero na nasa platform ng istasyon ang nag-akusa na ang lalaki ay kumukuha ng tosatsu o malaswang video ng isang babae na nasa hagdanan ng istasyon bandang alas-8:00 ng gabi, ayon sa mga pulis. At matapps nuon ay nag-simula na ang habulan.

“Ito ay isang standard procedure,” ayon sa statement na ibinigay ng Tokyo Police ukol sa insidente.

Isang similar na insidente ng pang-hihipo ang nangyari na kinasasangkutan ng isang lalaki sa kalapit na istasyon sa Nakameguro nuong umaga nang araw na iyon.

Source: Tokyo Reporter

Image: TBS News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund