Share
Sa kasong ito, ang bangkay ng isang Pilipina na si Ruby Vergel Agonoy o kilala na Ruby Tanaka, 32 taong gulang ay natagpuan sa isang apartment sa Asakamachi, Koriyama City, Fukushima Prefecture. Pinaniniwalaang pinatay ang biktima ayon sa kundisyon ng katawan nito.
Bilang resulta ng hudisyal na awtopsiya, si Tanaka ay pinaniniwalaang namatay sa sakal, at ayon sa mga investigator, mayroong silang nakitang iba pang bakas ng sugat sa katawan nito.
Ang apartment ni Tanaka ay kinontrata ng isang lalaki na dati niyang ka-live in, at iniimbestigahan ng pulisya kung mayroong anumang alitan na humantong sa insidente sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong nakakakilala sa kanila.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulis ang krimen.
Join the Conversation