GUNMA- Isa sa dalawang suspek ang naaresto sa pag-patay sa 48 anyos na ginang at matapos ay tinapon sa kanyang labi sa Hinatami River sa Nakanojo, Gunma Prefecture nuong 2019, ay nasintensiyahan nang 27 taon na pagkaka-kulong ng Maebashi District Court.
Ibinaba ng hukuman ang sintensiya nuong Lunes laban kay Osamu Kobune, 35 anyos, isang empleyado sa kumpanya, ini-ulat ng Fuji T.V. Sinabi ng hukuman na si Kubune at isa pang nasasakdal na si Yuko Yamamoto, 31 anyos, walang trabaho at residente ng Saitama Prefecture na hindi pa nahahatulan ay ang siyang nag-tapon sa katawan ni Itsuki Kiyonori, isang residente ng Kawasaki, Kanagawa Prefecture mula sa tulay hanggang ito ay mahulog sa ilog nuong July 31, 2019.
Natagpuan ang mga labi ni Kiyonori sa lumulutang sa ilong nang isang mangingisda nuong August 5. Isang awtopsiya ang isina-gawa kay Kiyonori at ito ay nag-resulta na ito ay nakaranas ng pananakit sa ulo at dibdib bago pa itapon sa ilog ang kanyang katawan.
Ayon sa mga prosekyutor, ang dalawang suspek ay si Kiyonori ay nagka-kilala sa isang social networking site para sa mga taong nag-hahanap ng tulong para magpa-tiwakal. Sila ay nag-kita sa JR Takasaki Station sa Gunma Prefecture at nag drive patungo sa bundok sa Nakanojo kung saan sinaktan ni Kobune si Kiyonori hanggang sa ito ay binawian ng buhay gamit ang isang baseball bat sa loob ng kotse sa isang parking lot.
Si Kobune at Yamamoto na parehong naaresto sa Miyagi prefecture nuong Aug. 7, 2019, hawak nito ang driver’s license ni Kiyonori at ang kanyang ATM card. Isang street surveillance camera footage ang nagpapa-kita na naglalakad si Kiyonori malapit sa Takasaki Station kasama ang dalawa nuong gabi nang July 31.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation