TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 47 anyos na lalaki dahil sa pananakit umano nito sa isang babae sa loob ng isang hotel sa Kabukicho red-light nuong nakaraang buwan, mula sa ulat ng TBS News (July 5).
Nuong ika-30 ng Mayo, sinuntok umano ni Yusuke Ito ang isang 27 anyos na babae sa mukha ng mahigit 10 beses.
“Gugupitin ko ang buhok mo,” pananakot umano nito habang hawak ang isang gunting na itinutok sa leeg ng babae. Ninakaw din umano nang lalaki ang mahigit 550,000 yen na pera ng biktima.
Nagtamo ng pinsala ang babae na nangngailangan ng mahigit dalawang buwan na pagpapa-galing, ayon sa ulat ng Shinjuku Police Station.
Nang ito ay maaresto, inamin ni Ito ang mga alegasyon laban sa kanya. “Ninakawan ako nyan ng 20,000 yen isang taon na ang naka-lilipas at iniwan niya ako nang wala akong magawa.” ani nito sa mga pulis.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nakilala ni Ito ang babae sa Twitter matapos nitong mag-post ng isang mensahe na siya ay interesado sa isang relasyon na kung tawagin ay Papakatsu, kung saan ang lalaki ay dapat bayaran ang babae kapalit ng pakikipag-date nito sa kanya.
Ang insidente ay nangyari matapos silang magka-sundo sa presyo. Nang dumating sa hotel, sinunggaban ng suspek ang biktima, “Ibalik mo sa akin ang pera!” habang sumisigaw at ginagawa ang pananakot.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation