TOKYO- Ang organizer ng Tokyo Olympics at Paralympics ay nag-pahayag nuong Martes na isang dayuhang athlete na tumutuloy sa athlete’s village at walo pang mga katao na may kaugnayan sa palaro ay nag-positibo sa pag-susuri sa coronavirus.
Kabilang sa tally ang isang Olympic volunteer na sa unang pagkaka-taon mula nang mag-simula mag-lipon ng mga tao ang commitee nuong July 1, na siyang bumubuo ng 71 katao na may kaugnayan sa palaro ang nagkaroon ng impeksyon, tatlong araw bago mag-opening ceremony.
Samantalang ipinahayag ng mga organizer na sa 21 miyembro na kina-bibilangan ng South African men’s soccer team na nagkaroon ng close contact sa manlalarong nag-positibo sa impeksyon, tatlo ang na-exempt mula sa self-quarantine matapos ang masusing pag-iimbestiga at contact tracing.
Sa kabilang banda, dalawang Mexican baseball players ang nag-positibo sa COVID-19 bago pa maka-lipad patungong Tokyo, sinabi ng Mexican authorities nitong Lunes. Ang koponan ng Mexico ay haharap sa koponan ng Japan nitong July 31, ay plano pa rin na tumuloy patungong Tokyo.
Source: Japan Today
Join the Conversation