Ikinu-kunsidera na muling ibaba sa 3 prepektura ang state of emergency

Ang kapitolyo ay napasa-ilalim na ng ika-apat na estado ng emergency mula nuong ika-12 ng Hulyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIkinu-kunsidera na muling ibaba sa 3 prepektura ang state of emergency

Ang pandemic headquarters ng pamahalaan ay muling kinukunsidera na mag-issue ng coronavirus state of emergency sa tatlong prepektura ng Tokyo ngayong Biyernes matapos humingi ng advice mula sa experts panel.

Nakitaan ng pag-taas sa arawang bilang ng kaso ang prepektura ng Saitama, Chiba at Kanagawa nitong Miyerkules. Nag-ulat ng 870 na kaso sa Saitama, habang 577 naman ang kumpirmado sa Chiba at 1,051 naman sa Kanagawa. Ang tatlong prepektura ay kasalukuyang naka-sali sa quasi-emergency measures ng pamahalaan.

Ang mga gobernador ng tatlong prepektura ay kakausapin ang central government na mag-issue ng emergency declaration kung makaka-gawa sila ng kasunduan ngayong Huwebes.

Si Nishimura Yasutoshi, ang ministrong naka-talaga sa coronavirus response ay nag-sabi na ikukunsidera ng pamahalaan ang kanilang request, kung ito ay magagawang opisyal at gagawin ang kailangang hakbang para dito.

Inaasaham na mapag-usapan nila Prime Minister Suga Yoshihide,  Nishimura at health minister Tamura Norihisa ang nasabing issue ngayong Huwebes. Susuriin ng pamahalaan ang hospital bed occupancy rate at iba pang mga datos.

Hinihimok rin ng pamahalaan ang mga taong nag-eedad ng 40s hanggang 50s na magpa-bakuna dahil halos ang mga edad na ito ang nag-tala ng mataas na mga na-aadmit sa ospital.

Inaasahan rin na mabawasan ang pasanin ng medical system sa pamamagitan ng pag-gamit nang mga inaprubahan kamakailan na mga gamot sa pag-gagamot ng COVID-19 patients.

Ini-ulat rin ng Tokyo ang kanilang arawang talaan ng mga bagong kaso ng impeksyon nitong Miyerkules. Ang kapitolyo ay napasa-ilalim na ng ika-apat na estado ng emergency mula nuong ika-12 ng Hulyo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund